Friday, January 9, 2015

Mga Rehiyon ng Asya


from:google.com.ph/search?q=map+of+Timog+Silangang+Asya&client=firefox-a&hs=i5o&rls=org.mozilla:en-US:official&channel=fflb&tbm=isch&imgil=e1WnBvveNMcSSM%253A%253B8R_aHOtixjYHVM%253Bhttp%25253A%25252F%25252Ftl.wikipedia.org%25252Fwiki%25252FKapisanan_ng_mga_Bansa_sa_Timog-Silangang_Asya&source=iu&pf=m&fir=e1WnBvveNMcSSM%253A%252C8R_aHOtixjYHVM%252C_&usg=__CwLxtxfh0ntKY-Iqgw92IPgDyS8%3D&biw=1600&bih=796&ved=0CC0Qyjc&ei=TqOwVM7jD5CwuATx3oDoAQ#imgdii=_


Ang Timog Silangang Asya (Ingles: Southeast Asia, na kadalasang pinapaikli bilang SEA) ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng mga bansang nasa katimugang Tsina, silangan ng Indiya at hilaga ng Australya.
Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang rehiyong heograpikal: Ang kalupaang Asyano, at ang mga arkong pulo at mga kapuluan sa silangan at timog silangan. Ang mga bansang nasa kalupaang Asyano ay kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at ang Vietnam; ang populasyon ay pangunahing binubuo ng mga Tibeto-Burmano, mga Tai, at mga Austroasiatiko; ang pinakamalaking relihiyon ay Budhismo, na sinundan ng Islam, at Kristiyanismo. Ang mga bansang nasa karagatan ay binubuo ng Brunei, Silangang Timor,[1], Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at ang Singapore. Ang ibang paglalarawan sa rehiyon ay sinasama ang Taiwan sa hilaga. Ang mga Austronesiano ang dominante sa rehiyon; ang pangunahing relihiyon ay Islam, na sinundan ng Kristiyanismo.
from:.wikipedia.org/wiki/Timog-silangang_Asya

Kasaysayan
Si Solheim at ang iba pa ay nagpapakita ng katibayan ng isang sanga sangang kalakalan "Nusantao" (Nusantara) sa karagatan na mula Vietnam hanggang sa kabuuan ng mga kapuluan o arkipelago noon pang 5000 BCE hanggang 1 CE.[3] Ang mga tao ng Timog Silangang Asya, lalo na ang mga mula sa lahing Austronesyano, ay ilang libong taon nang mga mandaragat, at ang ilan pa ay naaabot ang pulo ng Madagascar. Ang kanilang mga sasakyan, gaya ng vinta, ay nakapakalahaga sa karagatan. Ang paglalakbay ni Fernando Magallanes ay nagtala kung gaano mas mahusay ang mga sasakyan ng mga ito, kung ihahambing sa mga sasakyang pandagat ng mga Europeo.[4]
Ang pagdaan sa Karagatang Indiyano ang nakatulong sa pagkolonisa ng Madagascar ng mga taong Austronesyano, at kasabayan din nang pag-unlad ng kalakalan sa pagitang ng Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya. Ang ginto mula Sumatra ay sinasabing umabot hanggang sa Roma.
Orihinal na mga animista ang mga tao. Ito ay lumaong napalitan ng Brahmanikong Hinduismo. Ito naman ay sinundan ng Theravada Budhismo, noong 525. Noong 1400, pumasok sa rehiyon ang impluwensiyang Islamiko. Ito ang tumulak sa mga Hindu ng Indonesia na umatras sa Bali.
Sa Kalupaang Timog Silangang Asya, napanatili ng Myanmar, Cambodia, at Thailand ang paniniwalang Theravada ng Budhismo, na dinala doon buhat sa Sri Lanka. Ang uri ng Budhismong ito ay humalo sa impluwensiyang Hindu ng kulturang Khmer.

Arkitektura na istilong Srivijaya. Surat Thani Thailand
Kakaunti lamang ang nalalaman sa mga paniniwalang panrelihiyon sa Timog Silangang Asya bago dumating ang mga mangangalakal na mga Indiyano at mga impluwensiyang relihiyosa mula noong ikalawang dantaon BCE. Bago mag-13 dantaon, ang Budhismo at Hinduismo ay ang pangunahing relihiyon sa Timog Silangang Asya.
Ang Kahariang Hindu ng Jawa Dwipa sa Java at SUmaatra ay nabuo noong tinatayang 200 BCE. Ang kasaysayan ng daigdig ng taong Malay ay nagsimula sa pagdating ng mga impluwensiyang Indiyano, na tinatayang naganap noong ika-3 dantaon BC ang nakalipas. Ang mga mangangalakal na Indiyano ay dumating sa arkipelago dahil sa parehong yamang gubat at yaman ng karagatan nito at upang makipagkalakalan sa mga mangangalakal mula sa Tsina, na mas maaagang natuklasan ang daigdig ng mga Malay. Ang parehong Budhismo at Hinduismo ay maayos na naitatag sa Tangway ng Malay noong simula ng ika-1 dantaon CE, at mula roon ay lumaganap sa buong kapuluan.
Ang Cambodia ay ang unang naimpluwensiyahan ng Hinduismo noong unang bahagi ng kaharian ng Funan. Ang Hinduismo ay isa sa mga opisyal na relihiyon ng Emperyo ng Khmer. Ang Cambodia ay ang tahanan ng isa sa dalawang templong alay sa Brahma sa daigdig. Ang Angkor Wat ay tanyag ding templong Hindu sa Cambodia.
Ang Emperyong Majapahit ay isang Indiyanong Kaharian na matatagupuan sa silangang Java mula noong 1693 hanggang 1500. Ang pinakadakilang pinuno nito ay si Hayam Wuruk, na namuno mula 1350 hanggang 1389 na nagmarka ng karurukan ng emperyo nang sakupin nito ang iba pang mga kaharian sa katimugan ng Tangway ng Malay, Borneo, Sumatra, Bali at ang Pilipinas. Ang kabuuan din ng Pilipinas ay nagbibigay din ng pagkilala sa sa emperyo
Ang mga Cholas ay nagpamalas sa mga aktibidad sa karagatan, sa parehong aspeto ng sandatahan at pangangalakal. Ang kanilang pagsalakay sa Kedah at sa Srivijaya, at ang kanilang patuloy na ugnayang pangkalakalan (commercial) sa Emperyong Tsino, ay ang nagbigay daan sa kanila upang maimpluwensiyahan ang katutubong kultura. Karamihan sa mga natitirang halimbawa ng mga impluwensiyang kultural na Hindu na makikita ngayon sa kalakhang Timog Silangang Asya ay dulot ng mga paglalakbay ng mga Chola.[5]
from:wikipedia.org/wiki/Timog-silangang_Asyablogger.com/blogger

Kalakalan at Kolonisasyon

Ang mga mangangalakal na Tsino ay matagal nang nakikipagkalakalan sa rehiyon ayon na rin sa katibayan ng tala ng paglalakbay ni Magallanes na ang Brunei ay mas marami pang pagmamay-aring kanyon kung ihahambing sa mga sasakyang pandagat ng mga Europeo kaya't lumalabas na pinalakas sila ng mga Tsino.[4]
Isang alamat na Malayo ang nagsasabi na isang Tsinong emperador na Ming ang nagpadala ng prinsesa, si Han Li Po sa Malacca, na may kasamang 500 mga abay, upang pakasalan si Sultan Mansur Shah pagkatapos mamangha sa katalinuhan ng Sultan. Ang balon ni Han Li po (tinayo noong 1459) ay ngayon isa nang atraksiyong panturista, pati ang Bukit Cina, kung saan ang kanyang mga abay ay nanirahan.
Ang istratehiyang kahalagahan ng Kipot ng Malacca, na kontrolado ng Sultanato ng Malacca noong ika-15 dantaon at noong unang bahagi ng ika-16 na dantaon.
from:wikipedia.org/wiki/Timog-silangang_Asya

Relihiyon

Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay naniniwala sa maraming iba't ibang mga relihiyon. Ang mga bansang nasa kalupaang Asya. gaya ng Thailand. Cambodia, Laos, Myanmar. at Vietnam ay pangunahing naniniwala sa Budhismo. Ang Singapore ay pangunahin din Budhista. Ang mga paniniwalang namana at Confucianismo ay malawak din pinananaligan sa Vietnam at Singapore. Sa Kapuluaang Malay, ang mga taong nakatira sa Malaysia, kanlurang Indonesia at Brunei ay pangunahing naniniwala sa Islam. Ang Kristiyanismo ay ang pangunahing relihiyon sa Pilipinas, silangang Indonesia at Silangang Timor. Ang Pilipinas ang pinakamalaking Katolikong populasyon na sinundan naman ng vietnam sa malayong agwat. Ang Silangang Timor ay isa ring predominanteng Katoliko dahil sa matagal na pananakop dito ng mga Portuges.
from:wikipedia.org/wiki/Timog-silangang_Asya